Duterte: Media ayaw akong maging presidente

By Len Montaño March 21, 2019 - 12:05 AM

Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang media at pinasasama umano siya ng mga news organizations dahil ayaw umano siyang maging presidente dahil hindi siya galing sa mayamang angkan.

“Yung malisya nila, kasi ayaw ninyo ako maging presidente.  Kasi kayong mga mayaman, may mga newspaper, mga UP graduates kayo, ‘yong mga commentator, sila ang may ari […] kasi in the first place, you did not want me,” pahayag ng Pangulo sa kampanya ng PDP-Laban sa Marikina City Miyerkules ng gabi.

Nakatikim na naman ng mura mula sa Pangulo ang mga may-ari ng ilang media companies.

“Because I do not belong to any of the ruling elite in this country…P*tang ina I am not your president, manigas na kayo. Para sa tao ako, kasi ang tao ang nagboto sa akin” pahayag ni Duterte.

Dagdag ng Pangulo, sinasadya niya ang ilan sa kanyang mga pahayag at aksyon para subukan ang reaksyon ng media.

“Eh ako naman, pinapatulan ko, I mean purposely nagpu-p*tang ina ako […] ito si Duterte hindi edukado, tama […] sabi nila hindi daw ako statesman, tama, kasi wala namang subject na statesman sa curriculum natin,” dagdag ng Pangulo.

Mula nang maupo noong 2016, ilang beses nang nakabanggaan ng Pangulo ang media dahil sa kakaiba nitong panunungkulan.

TAGS: ayaw maging presidente, binatikos, Marikina City, media, minura, news organizations, PDP Laban, Rodrigo Duterte, ayaw maging presidente, binatikos, Marikina City, media, minura, news organizations, PDP Laban, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.