Duterte, nagbiro ukol sa ilang kandidato ng PDP-Laban

By Chona Yu March 20, 2019 - 11:46 PM

Nauwi sa tawanan ang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kay reelectionist Senator JV Ejercito sa kampanya ng PDP-Laban sa Marikina Miyerkules ng gabi.

Ito ay dahil sa ipinakilala ni Duterte si Ejercito bilang Jinggoy.

Si dating Senador Jinggoy Estrada ay ang nakatatanda at half brother ni Ejercito at tumatakbo muling bilang senador.

Agad namang humingi ng dispensa ang Pangulo sa kanyang pagkakamali.

“Malaman mo kasi si jinggoy maraming babae Bad boy. Si jv wala. Walang hinto itong buang pero sektreto lang.Im sorry. Marami kasi ninyo nalilito na ako,” ani Duterte.

Samantala, idinaan din sa biro ng Pangulo ang hindi pagdating agad ni dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa kampanya.

Ayon sa Pangulo, nagpapagupit pa raw si Dela Rosa.

Ayon sa Pangulo, kaya hidi nakasipot si Dela Rosa ay dahil nagpunta ng parlor para magpagupit ng buhok.

Pero dumating kalaunan si Dela Rosa at nakahabol sa kampanya.

TAGS: kampanya, Marikina, nagbiro, nagpagupit, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, Senador Jinggoy Estrada, Senator JV Ejercito, kampanya, Marikina, nagbiro, nagpagupit, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, Senador Jinggoy Estrada, Senator JV Ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.