US, nagbabala sa nagbabadyang pag-atake sa Kabul, Afghanistan
Nagpalabas ng babala ang United States sa kanilang mga citizens na nasa Kabul, Afghanistan sa nagbabadyang pag-atake sa syudad.
Sa kanilang emergency advisory sa website, sinasabi na nakatanggap ng ‘credible report’ ang US ng isang ‘imminent attack’ sa Kabul na posibleng mangyari sa loob ng dalawang araw.
Inilabas ng Amerika ang babala sa gitna ng nakatakdang pag-uusap sa pagitan ng mga lider ng Afghanistan at Pakistan sa sidelines ng climate change conference sa Paris, France.
Matatandaang nagkaroon ng lamat ang relasyon ng Kabul at Islamabad sa Pakistan makaraang suportahan ng huli ang muling pamamayagpag ng Taliban.
Ang Taliban ang itinuturong pasimuno ng mga pag-atake sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang foreign targets sa Afghanistan nitong nakalipas na mga buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.