Dagdag na sweldo sa mga tauhan ng gobyerno tuloy na

Nagpalabas na ng executive order ang Malacañang para mapaglaanan ng sapat na pondo ang dagdag sweldo sa mga sibilyan na kawani ng gobyerno.

Inilabas ang EO 76 sa gitna ng patuloy na pagbabangayan ng dalawang kapulungan ng kongreso sa 2019 national budget na hanggang ngayon ay hindi pa naaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasalalay sa pambansang pondo ang ikaapat na tranch ng salary standardization law sa mga kawani ng gobyerno.

Base sa EO, inaatasan ni Pangulong Duterte na kunin na muna ang pondo sa dagdag sweldo sa 2018 national budget.

Inatasan din ang Department of Budget and Management na asikasuhin ang mga kinakailangang adjustment, budgeting, accounting, auditing rules at regulations.

Tinatayang nasa 1.7 milyong kawani ng gobyerno ang hindi pa nakatatanggap na dagdag sweldo.

Read more...