Mga opisyal ng MWSS muling sinabon ng mga kongresista
Muling nasabon ng mga kongresista ang mga opisyal ng Manila Water at Metropolitan Water Sewerage System sa pagharap sa pagdinig ng Kamara sa isyu ng pagkawala ng suplay ng tubig.
Sa pagdinig ng House Oversight Committee on Public Accounts, sinabi ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara na pumalpak ang MWSS sa kanilang trabaho.
Hindi anya dapat hayaan ang Manila Water na i-pulis ang kanilang sarili sapagkat ito ay trabaho ng regulatory body.
Ayon naman kay Deputy Minority Leader Lito Atienza bukod sa naranasang kakapusan ng suplay ng tubig ay hindi pa rin naisusumite ng kumpanya sa Kamara ang accounting ng gastos nito para sa water treatment plants simula 1997.
Samantala, nanindigan si MWSS Chief Regulator Patrick Ty na wala silang kapangyarihan na na magpataw ng parusa sa mga water concessionaire.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.