Comelec: Printing ng balota para sa 2019 elections matatapos bago ang holy week

By Angellic Jordan March 20, 2019 - 04:26 PM

Mahigit-kumulang tatlumpu’t walong milyong balota na ang naimprinta para sa nalalapit na 2019 midterm elections, ayon sa Commission on Elections o Comelec.

Ayon sa Comelec, base sa kanilang printing committee, nasa kabuuang 38,347,754 na ang naimprintang balota hanggang sa araw ng Martes, March 19.

Katumbas anila ito ng 60.24 percent ng kinakailangang 63,662,481 na balota.

Sinabi ng Comelec na kailangan pang ayusin ang pag-imprinta ng mga balota para sa Ilocos, Cagayan at National Capital Region.

Samantala, inihayag naman ni Comelec spokesman James Jimenez na posibleng matapos ang ballot printing bago magsimula ang Semana Santa.

Mas maaga ito sa target date ng poll body na April 25.

TAGS: 2019 elections, balota, James Jimenez, midterm elections, 2019 elections, balota, James Jimenez, midterm elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.