Mosyon para sa demurrer to evidence nina Jinggoy at Napoles kinatigan ng S’bayan

By Erwin Aguilon March 20, 2019 - 04:19 PM

Pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang mosyon nina Janet Lim-Napoles at dating Senador Jinggoy Estrada na maghain ng demurrer to evidence.

Base sa naging pasya ng anti graft court nakasaad na base sa Section 23, Rule 119 of the Rules of Court na ang demurrer to evidence ay inihahain ng depensa bilang pagkontra mga ebidensya ng prosekusyon.

Ito rin ay paraan ng pagsasabi sa korte na dapat ibasura ang kaso dahil mahina ang ebidensya upang patunayan ang guilt ng akusado.

Sinabi ng korte na matapos pag-aralan ang ebidensyang isinumite ng prosekusyon kabilang na ang mga testimonya pinagbigyan nila ang hiling nina Estrada at Napoles.

Ito ayon sa korte ay pagkakataon upang kontrahin ang mga naipresentang ebidensya ng prosekusyon.

Binigyan naman ng korte ang mga akusado ng sampung araw upang maghain ng kanilang mga demurrer to evidence.

Ang demurrer of evidence ay inihahain ng depensa matapos maglahad ng ebidensya ang prosekusyon.

Si Estrada ay pansamantalang nakalalaya matapos maglagak ng pyansa habang nakalulong naman sa Correctional Institution for Women si Napoles dahil sa PDAF scam.

TAGS: demurrer to evidence, Jinggoy Estrada, napoles, PDAF Scam, plunder, demurrer to evidence, Jinggoy Estrada, napoles, PDAF Scam, plunder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.