2 PDEA agents sugatan sa anti-drug operation sa Pasay City

Inquirer file photo

Sugatan ang dalawang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA makaraang mauwi sa shootout ang ikinasang anti-drug operation sa Pasay City, araw ng Miyerkules.

Ayon sa ulat ng Pasay City Police, nagtamo ng tama ng bala ang PDEA agents na sina Charlemaine Tang at Richard Seure.

Maliban sa dalawa, sugatan din ang isa sa mga target sa operasyon habang nakatakas naman ang isang kasamahan nito.

Agad namang naisugod ang dalawa sa San Juan de Dios Hospital.

Read more...