MWSS itinangging $800M ang gagastusin sa Kaliwa Dam project
Pinabulaanan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na aabot sa mahigit $800 million ang halaga ng Kaliwa Dam Project sa Infanta, Quezon.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na nasa $248 million P12.2 billion lamang ang halaga ng naturang proyekto.
Blangko si Velasco kung saan nanggaling ang ulat na aabot sa $800 million ang gagastusin para sa Kaliwa Dam.
Ayon kay Velasco, natapos na ang bidding ng proyekto.
Umaasa si Velasco na matatapos ang Kaliwa Dam Project bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.