Comelec nagpatupad ng balasahan sa 50 election officers sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 12:58 PM

Binalasa ng Commission on Elections (Comelec) ang mga election officer nito sa Cebu.

Sakop ng ipinatupad na reshuffle ang 50 election officers na nakatalaga sa iba’t ibang lungsod at bayan sa Cebu.

Ipinatupad ang reassignment order base sa memorandum na inilabas ng Comelec head office sa Maynila.

Naapektuha ng reshuffle ang mga opisyal ng Comelec sa Cebu City, Mandaue City, Talisay City, Naga City, Talisay City, Toledo City, san Fernando, Minglanilla at maraming pang mga bayan.

Apat lang sa 54 na election officers sa Cebu ang hindi naapektuhan ng reshuffle, ito ay sina Maria Lourdes Andrino ng Daanbantayan, Mariella Remoroza ng Dumanjug at Alex Villacrucis ng San Remigio.

Ang reshuffling ay magiging epektibo sa March 27.

TAGS: cebu, comelec, elections, Radyo Inquirer, reshuffling, cebu, comelec, elections, Radyo Inquirer, reshuffling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.