3 patay, 4 sugatan sa aksidente sa Bataan

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 12:52 PM

Inquirer file photo
Patay ang tatlong katao habang sugatan ang apat na iba pa sa aksidente sangkot ang tatlong sasakyan sa Abucay, Bataan.

Nangyari ang aksidente sa Roman Highway sa Barangay Calaylayan.

Kinilala ng mga otoridad ang mga nasawi na sina Blanca Mendoza, Analin benavidez at Ronnie Benavidez, pawang residente ng Limay, Bataan.

Sakay sila ng Mitsubishi Mirage na noon ay patungo sana sa Dinalupihan.

Ayon kay Sr. Insp. Jennifer Cruz, Abucao police chief, sinagi ng Isuzu trailer truck ang kotseng sinasakyan ng mga biktima dahilan para bumangga ito sa isang gar tanker na nasa kabilang linya.

Wasak na wasak ang kotse at halos hindi na makilala.

Ang apat na nasugatan kabilang ang dalawang menor de edad ay pawang sakay din ng kotse at dinala sa Bataan General Hospital.

TAGS: abucay, accident, bataan, Radyo Inquirer, abucay, accident, bataan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.