Mga granada at bala nakumpiska sa sinalakay na mansyon ni dating Gov. Andal Ampatuan Sr.

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 12:24 PM

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang mansyon ng yumaong si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr.

Isinagawa ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion at Maguindanao police ang pagsalakay sa mansyon sa Barangay Satan, Shariff Aguak bitbit ang search warrants mula sa korte.

Ayon kay Maguindanao police director Sr. Supt. Ronald Briones, nakuha sa bahay ng yumaong ampatuan ay dalawang rifle grenade projectiles at 240 rounds ng mga bala para sa M16 armalite rifles.

Target sana ng search warrant ang anim na suspek pero hindi sila dinatnan ng mga otoridad.

Kinilala ang mga target na sina Kamsa Salik, Kuryano Usop, Babai Mama Usop, Nasri Salik, Benjar Salik, at Pangandaman Salik.

Ang mga suspek ay pinaniniwalaang bahagi ng private army ni Ampatuan na nagbibigay seguridad sa kaniyang mansyon.

Si Ampatuan Sr., ay nasawi matapos atakhin sa puso habang nakakulong noong 2015.

TAGS: andal ampatuan sr, Radyo Inquirer, shariff aguak, andal ampatuan sr, Radyo Inquirer, shariff aguak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.