WATCH: Catriona Gray nagpaliwanag sa pagkasira ng kaniyang Mikimoto crown

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 12:11 PM

Nagpaliwanag si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa dahilan ng pagkasira ng kaniyang Mikimoto crown.

Sa Twitter, naglabas ng video ang Miss Universe Organization kung saan nagpapaliwanag si Gray.

Inamin ni Catriona na nasira ang nasabing korona habang siya ay nagsasayaw.

Aniya, gustong-gusto niya ang moving band sa mga parada at napapasayaw siya kapag nadidinig ito kahit hindi naman siya magaling sumayaw.

At dahil doon, nasira aniya ang korona.

Hawak din niya ang pirasong bahagi ng korona na naputol at humingi siya ng paumanhin.

Sa isa pang Tweet, sinabi naman ng Miss Universe na maaayos din ang korona.

TAGS: broken crown, Catriona Gray, mikimoto crown, miss universe, broken crown, Catriona Gray, mikimoto crown, miss universe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.