2 patay sa aksidente sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 11:36 AM

Inquirer file photo
Patay ang dalawang lalaki matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa Cebu Miyerkules (Mar. 20) ng umaga.

Naganap ang aksidente sa Barangay Canamucan sa bayan ng Compostela alas 5:15 ng umaga.

Kinilala ng Compostela Traffic Enforcement Agency ang mga nasawi na sina Earl John Monsanto Gitgano at Christian Romo Gorre.

Sakay ng motorsiklo ang dalwa at patungo sa direksyon ng Danao City nang bumangga sila sa paparating na bus.

Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang umanong nag-U-turn sa highway ang motorsiklo.

Maliban sa dalawang nasawing motorcycle rider ay wala namang nasaktan sa mga pasahero ng bus sa insidente.

TAGS: accident, cebu, compostela, accident, cebu, compostela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.