Piolo Pascual hindi na gagawa ng teleserye

By Jimmy Tamayo March 20, 2019 - 11:25 AM

Hindi na gagawa ng teleserye ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Ginawa ng aktor ang deklarasyon sa press conference matapos pumirma ng kontrata bilang ambassador ng isang online University.

Ikinatwiran ng 42-anyos na aktor, masyado na siyang matanda sa paggawa ng mga soap opera at huling teleserye na niya ang Since I Found You noong 2018.

Sa loob ng 20 taon sa entertainment industry, sinabi ni Piolo na 10 taon na siyang gumagawa ng teleserye at nais naman niyang gumawa ng ibang proyekto.

Aminado ang aktor na hindi na siya nag-e-enjoy sa paggawa ng teleserye lalo aniya yung nakapako ng matagal sa taping.

Bilang producer, naniniwala si Piolo na marami pang dapat gawin at maraming proyekto ang dapat tutukan ng pansin.

Kinumpirma din nito na higit dalawang buwan siyang mawawala para sa eight-week course sa satellite campus ng New York Film Academy sa Italy kung saan mag-aaral siya ng Film Producing kasama si direk Joyce Bernal.

Bago mawala ay may ilang proyekto pa ang tinatapos ni Piolo kabilang ang isang pelikula sa ilalim ni direk Brillante Mendoza at natapos na rin niya ang isa pang pelikula sa direksyon naman ni Lav Diaz.

TAGS: Piolo Pascual, Radyo Inquirer, teleserye, Piolo Pascual, Radyo Inquirer, teleserye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.