Duterte, nagpakitang gilas sa mga tagasuporta

 

Grig Montegrande/Inquirer
Grig Montegrande/Inquirer

Pinatikim ni Mayor Rodrigo Duterte ng kanyang magiging plataporma de gobyerno ang mga dumalo sa opisyal na paghahayag ng kanilang tambalan ni Sen. Alan Peter Cayetano kahapon.

Ipinangako ng alkalde ang pagsugpo sa korupsyon at kriminalidad sakaling siya ang manalo sa eleksyon sa susunod na taon at ang pagsusulong ng federal system of government.

Sa pagharap ni Duterte sa dalawang oras na event sa Century Park Hotel , napuno ng mura at mga biro ang talumpati ng alkalde.

Inulit din ng alkalde na ang 5-4 ruling ng Senate Electoral Tribunal na pumabor kay Sen. Grace Poe ang naging dahilan kung bakit nagdesisyon itong tumakbo sa pampanguluhang halalan.

Ipinaliwanag ding muli ng alkalde na ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungong federalism ang magbibigay ng tunay na kapayapaan sa Mindanao.

Balak din nitong kausapin sina dating MNLF leader Nur Misuari at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines upang pag-usapan ang isyu ng kapayapaan.

Samantala, sa naganap namang Musicians and Artists for Duterte or MAD sa Taguig noong Linggo, inamin ng 70-anyos na mayor na mayroon siyang dalawang asawa at dalawang girlfriend sa kasalukuyan.

 

Read more...