LOOK: P2.5B na halaga ng helicopter parts at iba pang gamit mula Japan dumating sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 10:48 AM

Dumating sa bansa ang P2.5 billion na halaga ng helicopter parts at iba pang kagamitan galing Japan.

Sa isinagawang turnover ceremony sa Clark Air Base, Angeles City, Pampanga tinanggap ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang mga kagamitan mula kay Toshihiko Fujii, Assistant
Commissioner ng Acquisition Technology and Logistics Agency ng Japan.

Kabilang sa dumating ang unang batch ng UH-1H helicopter parts at maintenance equipment.

Sinabi ni Lorenzana na ang nasabing mga gamit ay donasyon ng Japanese Government para sa
Philippine Air Force (PAF).

Pawang excess production aniya ng Japan ang nasabing kagamitan kaya nagpasya ang pamahalaan nito na ibigay na lamang ito sa Pilipinas.

Ani Lorenzana, malaking tulong ito sa Air Force dahil maraming aircraft ang hindi nagagamit bunsod ng kawalan ng spare parts upang ito ay maiayos.

TAGS: defense, DND, donation, helicopter parts from Japan, Philippine Air Force, Radyo Inquirer, defense, DND, donation, helicopter parts from Japan, Philippine Air Force, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.