Hirit na TRO ni Trillanes sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaniyang kasong rebelyon, ibinasura ng CA

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 10:40 AM

Ibinasura ng Court of Appeals ang hirit ni Senator Antonio Trillanes IV na itigil ang pag-usad ng kaniyang kasong rebelyon sa Makati court.

Sa resolusyon ng CA ibinasura nito ang hirit na temporary restraining order at writ of preliminary injunction ni Trillanes laban sa muling pagbukas ng Makati Regional Trial Court Br. 150 sa kaniyang kaso na may kaugnayan sa Manila Peninsula siege.

Sa halip, inatasan ng CA ang Makati RTC at ang Department of Justice (DOJ) na magsumite ng kanilang komento sa petisyon ni Trillanes.

Ngayong tanghali ang schedule ng pagbubukas sana ng rebellion case ni Trillanes sa Makati court.

Pero itinakda na lamang ang pagdinig sa Mayo habang nakabinbin ang apela ni Trillanes sa CA.

TAGS: Makati Court, Radyo Inquirer, rebellion, trillanes, Makati Court, Radyo Inquirer, rebellion, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.