Mga pahayag ng MWSS sa media ginagamit ng Manila Water at Maynilad bilang ebidensya sa arbitration court sa Singapore

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 10:32 AM

Nagpaliwanag si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief regulator Patrick Ty hinggil sa batikos dahil sa mistulang pag-iingat ng MWSS sa pagbibitiw ng salita laban sa water concessionaires gaya ng Maynilad at Manila Water.

Ayon kay Ty, lahat ng kaniyang ihahayag tungkol sa Maynilad at Manila Water partikular sa naranasang krisis sa tubig kamakailan ay maaring gamitin laban sa MWSS sa pagsasampa ng arbitration case ng water concessionaires.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ty na dalawang beses nang magkasunod na natalo ang MWSS sa arbitration case ng Maynilad sa korte sa Singapore.

Sa nasabing mga kaso, ginamit ng Maynilad ang mga media interview ng nagdaang chief regulator ng MWSS bilang ebidensya.

Ito ang dahilan sinabi ni Ty kaya kailangan nilang maging maingat sa pagbibigay ng pahayag sa media at maging sa pagdinig ng Senado at Kamara.

Ang kaso ng Maynilad sa arbitration court sa Singapore laban sa MWSS ay hinggil sa dagdag-singil na kanilang ipinahinto.

Ang Manila Water naman ay mayroon pang nakabinbin ding kaso laban sa MWSS.

Ang dalawang water concessionaires ayon kay Ty ay laging may listahan ng media interviews ng mga opisyal ng MWSS para magamit nilang ebidensya sa kaso.

TAGS: arbitration, manila water, maynilad, mwss, Radyo Inquirer, water crisis, arbitration, manila water, maynilad, mwss, Radyo Inquirer, water crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.