Porn materials na-recover ng NBI sa cellphone ng suspek sa pagpatay kay Christine Silawan
Na-recover ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Central Visayas ang laman ng cellphone ng 17 anyos na suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan.
Nagawa ng NBI na makuha pa ang laman ng cellphone kahit sinira ito ng suspek.
Ayon sa NBI-7, may nakita silang mga pornographic material gaya ng videos at mga larawan sa naturang cellphone.
Sa ulat ng Cebu Daily News, nagsasagawa na rin ng DNA examination ang NBI-7 sa damit na isiunot ng suspek para makakuha ng dagdag pang ebidensya laban dito.
Ang NBI ang lead investigating team sa kaso ng karumal-dumal na pagpatay sa 16 anyos na si Silawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.