2 miyembro ng “Basag-Kotse Gang” patay sa engkwentro sa GenSan

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2019 - 08:45 AM

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng “Basag-Kotse Gang” sa General Santos City matapos maka-engkwentro ng mga pulis.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas 11:00 ng gabi ng Martes nang maaktuhan ng mga nagpapatrulyang pulis ang isang lalaki habang binabasag ang salamin ng nakaparang kotse sa Barangay Lagao.

Nang sitahin ay nagtangka ang mga suspek na tumakas subalit nasukol sila sa isang kalye at doon na nagkapalitan ng putok.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng mga suspek na kinilalang sina Josefino Emperado at Jan Eric Jaud.

Ayon kay Sr. Supt. Raul Supiter, nag-ooperate ang grupo ng dalawa sa lalawigan ng South Cotabato.

Nakuha sa dalawang suspek ang isang kalibre 45 at 38 na revolver.

Sa wallet naman na nakuha kay Emperado ay may nakita ring dalawang sachet ng hinihinalang shabu, mga dolyar at riyal na cash.

TAGS: Basag Kotse Gang, General Santos City, Radyo Inquirer, Basag Kotse Gang, General Santos City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.