6 kabilang ang 1 menor de edad arestado sa buy-bust sa QC

Naaresto ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City ang 6 na mga kabataan kabilang ang 1 menor de edad.

Unang nadakip ang apat na lalaki sa labas ng isang hotel sa Quirino Highway, at sunod na nahuli ang dalawa pa nilang kasama na naka-check in sa loob ng hotel.

Dalawa sa nadakip ay malapit na sanang magtapos sa kursong Marine Transportation at kursong Marketing sa susunod na linggo.

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang aabot sa P300,000 halaga ng hinihinalang marijuana.

Ayon sa mga tauhan ng QCPD, maaring mga kapwa estudyante rin ang kliyente ng mga suspek.

Lima sa naaresto ay nakakulong na habang ang isa ay dinala sa pangangalaga ng DSWD.

Read more...