LPA na dating si Bagyong Chedeng magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Mindanao at sa Palawan

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area na dating bagyong Chedeng.

Sa 4AM weather forecast ng PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 35 kilometers Northwest ng Zamboanga City.

Ang naturang LPA ay maghahatid pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Zamboanga Peninsula at sa ARMM.

Easterlies naman ang nakaaapekto sa Bicol Region, Visayas at sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao.

Ang naturang weather system ay maghahatid ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na maaring magdulot ng isolated na pag-ulan.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon ay magiging maganda at maalinsangan ang panahon. (END.DD)

Read more...