18 bagong air conditioning unit para sa MRT-3 dumating sa bansa

DOTr MRT-3 Photo
Inaasahang mas magiging kumportable pa sa susunod na mga araw ang biyahe ng mga pasahero sa MRT-3.

Ito ay kasunod ng pagdating sa bansa ang 18 pang mga bagong air conditioning unit na ikakabit sa mga bagon ng MRT-3.

Kasabay ito ng nararanasang mainit nang panahon ngayong summer season.

Noong October 2018, unang dumating ang 48 mula sa 78 ACUs na binili ng pamahalaan.

Ang 42 ay agad naikabit sa mga bagon ng MRT-3.

Ang nalalabi pang 18 ACUs na binili ng gobyerno para sa MRT-3 ay darating sa bansa sa susunod na buwan.

Read more...