3 arestado dahil sa paggahasa umano sa dalagita sa Maynila

By Rhommel Balasbas March 20, 2019 - 04:39 AM

Contributed photos

Nanlulumo ang isang 16-anyos na dalagita matapos itong pagsamantalahan umano ng sariling mga kaibigan sa Tondo, Maynila.

Ayon sa biktima, nagkayayaan lamang sila ng kanyang mga kaibigan na mag-inuman sa bahagi ng Melcade Street.

Nakilala ang mga suspek na sina Angelito Gonzales, Prince Cedrick Diwa at Paul Cedrick Diwa na pawang mga residente sa lugar.

Contributed photo

Kwento ng biktima, inaya siya ni Paul na huwag na munang umuwi at pakalmahin muna ang sarili dahil sa nararamdamang hilo.

Hindi na anya siya nakatanggi at tuluyang nakatulog pero nagising na lamang siya na mayroon nang nakapatong sa kanya.

Una umanong nanamantala ang isang Tado na nagyabang pa kaya’t sumunod sa kanya si Gonzales.

Samantala, nag-alok umano si Gonzales na papakasalan na lamang ang biktima.

Contributed photo

Desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kasong rape laban sa mga suspek.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga pulis si Tado at ang dalawa pa na nakilalang magkapatid na Gerald at Elmer Caparas.

TAGS: 16 anyos, dalagita, inuman, kaibigan, kasong rape, nagkayayaan, paggahasa, Tado, 16 anyos, dalagita, inuman, kaibigan, kasong rape, nagkayayaan, paggahasa, Tado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.