DTI: Walang magiging paggalaw sa presyo at supply ng bottled water

By Rhommel Balasbas March 20, 2019 - 03:59 AM

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na hindi tataas ang presyo at hindi magkukulang ang suplay ng bottled water sa kabila ng nararanasang water shortage.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, nakipagpulong ang kagawaran sa Beverage Industry Association of the Philippines (BIAP) noong Lunes para talakayin ang presyo ng bottled water.

Siniguro anya ng BIAP na walang magiging pagtaas sa presyo at sapat ang suplay hanggang sa inaasahang pagtatapos ng water shortage sa May 2019.

Nagpasalamat ang DTI sa kooperasyon at suporta ng BIAP sa gobyerno sa pagtugon sa pangangailangan ng mga consumer.

Samantala, marami umanong natatanggap na ulat ang DTI tungkol sa pananamantala ng ilang retailers sa water shortage kung saan ibinebenta ng mas mahal ang timba at tabo.

Dahil dito, nagdesisyon ang kagawaran na isama ang dalawang produkto sa monitoring at enforcement activities ng kagawaran upang tiyaking mananatiling stable ang presyo at protektado naman ang interest ng mga consumer.

TAGS: Beverage Industry Association of the Philippines, bottled water, dti, Presyo, supply, usec. ruth castelo, water shortage, Beverage Industry Association of the Philippines, bottled water, dti, Presyo, supply, usec. ruth castelo, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.