MWSS: Manila Water pwedeng pagmultahin dahil sa water shortage

By Len Montaño March 20, 2019 - 03:12 AM

Maaaring magmulta ang Manila Water sa Hunyo o Hulyo dahil sa perwisyo sa naging ng problema sa supply ng tubig.

Sa pagdinig sa Senado araw ng Martes, sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief regulator Patrick Ty, kalimitang tinatalakay ang multa dahil sa service interruption sa panahon ng rate adjustment kada 5 taon.

Ang multa anya ay pwedeng sa pamamagitan ng rebate sa mga customer ng Manila Water.

Pero sinabi ni Ty na dahil “unprecedented” ang naging problema sa tubig at walang batas na nagbabawal sa gobyerno na pagmultahin ang Manila Water ng mas maaga kaysa sa rebasing sa 2022, pinag-aaralan na nila ito ngayon.

Dagdag ni Ty, sinusuri na nila ang halaga ng multa na ipapapataw sa Manila Water.

“We do not need to wait because of this unprecedented situation. We are studying it right now, we are also actually studying the amount of the penalty that will be imposed, which can be rebated. We are exploring the option of imposing it, if there is any, around June or July,” pahayag ni Ty sa Senate hearing.

Sa ngayon ay prayoridad muna ng MWSS na ayusin ang supply ng tubig at sa susunod na buwan ay inaasahan na anya ang pagbaba ng singil ng Manila Water sa kanilang consumers dahil sa service interruption.

TAGS: Hulyo, Hunyo, manila water, multa, mwss, patrick ty, rate adjustment, rebate, senate hearing, service interruption, Hulyo, Hunyo, manila water, multa, mwss, patrick ty, rate adjustment, rebate, senate hearing, service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.