Ex-bf ni Silawan, gumamit ng pekeng FB account para makipagkita ang dalagita

Gumamit ang dating boyfriend ni Christine Silawan ng pekeng Facebook account para maloko ang dalagita na makipagkita sa kanya.

Si Silawan ang 16 anyos na pinatay at binalatan ang mukha sa Lapu Lapu City noong nakaraang linggo.

Ayon kay NBI Region 7 director Tomas Enrile, sinuri nila ang FB messages ni Silawan at lumabas na mayroon itong bagong manliligaw.

Nakatakda sanang makipagkita ang dalagita sa bago nitong manliligaw alas 6:00 ng gabi noong March 10.

Sa inilabas na CCTV footage ng otoridad ay makikita na naghintay si Silawan malapit sa simbahan kung saan ito nagsisilbing kolektor.

Pero ayon kay Enrile, imbes na isang bagong manliligaw ay ang 17 ayos na ex ni Silawan ang nakipagkita.

Makikita sa bahagi ng CCTV na tila nakikipag-away ang dalagita sa dating boyfriend nito.

Ayon pa sa NBI, umamin na sa krimen ang suspek at may ininguso itong dalawang kasabwat.

Read more...