PAL ililipat ang international flights sa NAIA T3 simula March 31

By Angellic Jordan March 20, 2019 - 01:25 AM

Ililipat na ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang ilang international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 simula sa March 31.

Sa abiso ng PAL, isasagawa ang paglipat sa lahat ng flight departure at arrival patungo at galing sa New York sa USA, Auckland sa New Zealand, Hanoi sa Vietnam at Phnom Penh sa Cambodia.

Narito ang listahan ng mga biyahe ng PAL sa NAIA Terminal 1 simula sa March 31:

– PR 218 / 219 Manila – Auckland – Manila

– PR 126 / 127 Manila – New York JFK – Manila

– PR 118 / 119 Manila – Toronto – Manila

– PR 116/ 117 Manila – Vancouver – Manila

– PR 595 / 596 Manila – Hanoi – Manila

– PR 521 / 522 Manila – Phnom Penh – Manila

– PR 682 / 683 Manila – Dammam – Manila

– PR 684/ 685 Manila – Doha – Manila

– PR 654 / 655 Manila – Riyadh – Manila

Pansamantala namang ipagpapatuloy ang flight departure patungong New York sa Terminal 2 habang flight arrival naman sa Terminal 1 mula araw ng Martes, March 19, hanggang March 30.

Itutuloy din ang flight departure at arrival sa Auckland sa Terminal sa nasabing petsa.

Samantala, maliban sa mga nabanggit na biyahe, sinabi ng airline company na mananatili ang terminal assignments ng ibang international flights.

Sinabi pa ng PAL na makatutulong ang operational adjustments sa nararanasang passenger congestion sa mga terminal ng NAIA.

Dahil dito, tiniyak ng PAL na makatutulong ito para sa mas maayos na serbisyo sa mga pasahero.

TAGS: arrival, departure, ililipat, international flights, NAIA, operational adjustments, PAL, passenger congestion, Terminal 3, arrival, departure, ililipat, international flights, NAIA, operational adjustments, PAL, passenger congestion, Terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.