Lalaki arestado sa ikatlong beses dahil sa droga

By Len Montaño March 20, 2019 - 01:09 AM

CDN Digital photo | Benjie Talisic

Sa ikatlong pagkakaton ay inaresto ang isang lalaki dahil sa pagkasangkot sa illegal na droga sa Cebu City.

Ayon kay Sr. Insp. Francis Renz Talosig, hepe ng Precinct 11 sa Barangay Mambaling, ang naarestong suspek ay si Jeffrey Espinosa Alo, 37 anyos.

Inaresto si Alo sa buy bust operation na pinangunahan ni Talosig sa Sitio Mangga, Barangay Mambaling.

Nakuha sa suspek ang tinatayang 15.8 gramo ng droga na nagkakahalaga ng mahigit P103,000.

Ayon sa pulisya, dati nang nahuli si Alo dahil din sa droga.

Noong nakaraang taon ay dalawang beses na itong hinuli dahil sa pagkasangkot sa kalakalan ng droga.

Nalaman ng pulisya ang tungkol sa aktibidad ni Alo mula sa tip sa social media hotline ng Cebu City Police Office.

TAGS: buy bust, Cebu City Police Office, Droga, effrey Espinosa Alo, ikatlong beses, Sr. Insp. Francis Renz Talosig, buy bust, Cebu City Police Office, Droga, effrey Espinosa Alo, ikatlong beses, Sr. Insp. Francis Renz Talosig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.