Duterte humingi ng payo sa Singapore para tugunan ang problema sa tubig

By Chona Yu March 20, 2019 - 12:03 AM

Humingi na ng payo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Singapore para tugunan ang nararanang krisis sa tubig sa Metro Manila.

Sa acceptance message ni Duterte sa presentation ng credentials ni Singapore Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong sa Malakanyang, sinabi nito na kailangan ng Pilipinas ng maraming payo mula sa Singapore para resolbahin ang problema sa suplay ng tubig.

Ayon sa Pangulo, ang Singapore at Israel ang may pinakamagandang operating machines patungkol sa desalination o ang proseso ng pagtatanggal ng tubig alat para magamit na pang inom.

Tiyak aniyang malayo ang mararating ng Pilipinas sa pagtugon sa problema sa tubig kapag nabigyan ng payo ng Singapore.

Nabatid na ang Singapore ang nakapag develeop ng teknolohiya para sa desalination at recycling ng waste water habang ang Israel ang may pinakamalaking desalination at water treatment sa buong mundo

Ang Singapore at Israel ay nakararanas ng kakapusan ng suplay ng tubig pero nagagawan ng paraan.

TAGS: Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong, desalination, israel, krisis sa tubig, payo, problema sa tubig, Rodrigo Duterte, singapore, supply ng tubig, Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong, desalination, israel, krisis sa tubig, payo, problema sa tubig, Rodrigo Duterte, singapore, supply ng tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.