Sa presentation ng credentials ni The Netherlands Ambassador to the Philippines Saskia Elisabeth De Lang sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na nakalulungkot ang nangyaring insidente.
Pero ayon sa Pangulo, kailangan na tanggapin ang insidente dahil iba na ang takbo ng mundo ngayon.
Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na laganap na ang terorismo sa ibat ibang bahagi ng mundo kaya nararapat lamang na magkaisa ang lahat para labanan ang nagaganap na karahasan.
Sa panig naman ng bagong Ambassador, nagpasalamat ito sa pakikiramay at simpatiya ng Pangulo dahil hanggang ngayon aniya ay gulantang pa rin ang kanilang mga mamamayan at patuloy nilang inaalam ang motibo ng suspect sa malagim na insidente.