Duterte nakiramay sa mga namatayan sa mass shooting sa The Netherlands

By Chona Yu March 19, 2019 - 11:52 PM

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan ng The Netherlands dahil sa malagim na mass shooting sa Utrecht.

Sa presentation ng credentials ni The Netherlands Ambassador to the Philippines Saskia Elisabeth De Lang sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na nakalulungkot ang nangyaring insidente.

Pero ayon sa Pangulo, kailangan na tanggapin ang insidente dahil iba na ang takbo ng  mundo ngayon.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na laganap na ang terorismo sa ibat ibang bahagi ng mundo kaya nararapat lamang na magkaisa ang lahat para labanan ang nagaganap na karahasan.

Sa panig  naman ng  bagong Ambassador, nagpasalamat ito sa  pakikiramay at simpatiya ng Pangulo dahil hanggang ngayon aniya ay gulantang pa rin ang kanilang mga mamamayan at patuloy nilang inaalam ang motibo ng suspect sa malagim na  insidente.

TAGS: Ambassador Saskia Elisabeth De Lang, mass shooting, nakiramay, pakikiramay, Rodrigo Duterte, Terorismo, The Netherlands, Utrecht, Ambassador Saskia Elisabeth De Lang, mass shooting, nakiramay, pakikiramay, Rodrigo Duterte, Terorismo, The Netherlands, Utrecht

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.