ICC, Law Asia nagsasabwatan umano para siraan si Duterte
Hindi isinasantabi ng Palasyo ng Malakanyang na maaring hindi namamalayan ng International Criminal Court (ICC), Law Asia at international group of lawyers na nagsasabwatan na ang kanilang hanay para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iisa kasi ang tono ng mg kritiko ng Pangulo pagdating sa usapin sa extra judicial killings, human rights abuses at anti drug war campaign.
Hinala ni Panelo, kinukuha ng mga international groups ang mga batikos sa Pangulo base sa impormasyon na ibinibigay sa kanila ng mga taga oposisyon o mga kritiko sa bansa.
Pinaniniwalaan aniya ng mga international groups ang batikos ng mga kritiko na malinaw na maling pamamaraan dahil hindi muna sinusuri ang mga kaukulang impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.