Kaliwa Dam project maaaring ipatigil ni Duterte kapag may nakitang anomalya

By Chona Yu March 19, 2019 - 10:40 PM

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapipigil sa konstruksyon ng Kaliwa Dam project na popondohan ng China.

Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na “done deal” na ang Kaliwa Dam project.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magagawa lamang ng Pangulo ang pagharang  kung may makikitang fraud o anomaly sa proyekto.

Ayon pa kay Panelo, pag-aaralan ng kanyang tanggapan na Office of the Chief Presidential Counsel ang panukala ng China pati na ang Japanese firm na nag-aalok ng mas mababang halaga ng  kontrata para sa Kaliwa Dam.

Kukunsultahin din ni Panelo ang mga eksperto sa paggawa ng dam pati na ang mga taga National Economic Development Authority (NEDA) kung bakit mas pinili ang China kaysa sa Japan.

TAGS: "done deal", anomaly, China, fraud, ipatigil, Japan, kaliwa dam, Kaliwa Dam Project, mwss, neda, Presidential spokesman Salvador Panelo, "done deal", anomaly, China, fraud, ipatigil, Japan, kaliwa dam, Kaliwa Dam Project, mwss, neda, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.