Mga opisyal ng MWSS, sinermunan ni Duterte

By Chona Yu March 19, 2019 - 10:20 PM

Nakatakim ng sermon mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa naganap na kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon sa pahayag ng Malakanyang, pinagsabihan ng Pangulo ang mga taga MWSS na mag “shape up” o ayusin ang serbisyo sa taong bayan.

Bagamat sinermunan, wala namang opisyal ng MWSS ang sinibak ng Pangulo.

Nabatid na tumagal ng tatlumpong minuto ang pakikipag pulong ng Pangulo sa mga taga MWSS sa Malakanyang.

Una nang sinabi ng Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala naman talagang water shortage at “mismanagement” sa panig ng Manila Water ang dahilan ng problema sa tubig.

TAGS: "shape up", manila water, mwss, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, sinermunan, water shortage, "shape up", manila water, mwss, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, sinermunan, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.