Komisyon na aalam sa mga pumatay sa ilang mga bayani ng bansa isusulong sa Kamara
Nakatakdang maghain si Buhay PL Rep. Lito Atienza ng isang panukalang batas na layong bumuo ng isang komisyon na tutukoy ang pumaslang sa ilang mga bayani ng Pilipinas.
Ayon kay Atienza, ang kanyang hakbang ay bilang paggunita sa 152nd birth anniversary ni Andres Bonifacio.
Naniniwala si Atienza na marapat lamang na gumawa ng pagsisikap para kay Bonifacio sa pamamagitan ng pagbatid kung sino nga ba ang nasa likod ng pagpatay sa kanya.
Sa ihahaing panukalang batas ni Atienza, magtatatag ng isang special commission na bubuuin ng mga educator, historians at research experts para malaman kung sino talaga ang pumatay kay Bonifacio maging kina Heneral Antonio Luna at maging Kay dating Senador Ninoy Aquino III.
Punto ni Atienza, kailangang mabatid ng mga Pilipino ang katotohan sa pagkasawi ng mga nabanggit na bayani, at hindi lamang nakikinig sa mga haka-haka hinggil sa kanilang kamatayan.
Naniniwala pa si Atienza na ang mga military men na nakulong dahil sa Ninoy Aquino assassination ay sumunod lamang sa utos mula sa isang tao at malamang ganito rin ang kaso ng pamamaslang kina Bonifacio at Luna.
Higit sa lahat, sinabi ng kongresista na ngayon ang tamang panahon para ituwid ang kasaysayan, at magkaroon ng “accurate account” kaugnay sa tunay na responsable sa pagkasawi nina Aquino, Bonifacio at Luna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.