Sa inilabas na pahayag, nakilala ng B-I ang dalawang dayuhan na sina Joel Pasay Aquino, Amerikanong nahaharap sa kasong child pornography sa Las Vegas Nevada, at si Jim Jae Hyeong, Korean national na wanted dahil sa swindling.
Nahuli sina Aquino at Jim noong araw ng Sabado, March 16, sa Angeles City, Pampanga at Lapu-Lapu City sa Cebu.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inilabas ang warrant ng United States District Court dahil sa ‘receipt of child pornography’ na may parusang pagkakakulong mula lima hanggang dalawampung taon.
Mapanganib aniya sa publiko ang pananatili ng dalawang dayuhan na may seryosong kaso sa ibang bansa.
Dahil dito, inisyu ng ahensya ang deportation order sa dalawa.
Kinansela na rin ang pasaporte ng mga dayuhan mula sa gobyerno ng Amerika at South Korea.