2 dayuhang wanted na nagtatago sa bansa nahuli ng BI

By Angellic Jordan March 19, 2019 - 05:45 PM

Ipapa-deport ng Bureau of Immigration o B-I ang dalawang dayuhan na nahaharap sa kaso sa ibang bansa.

Sa inilabas na pahayag, nakilala ng B-I ang dalawang dayuhan na sina Joel Pasay Aquino, Amerikanong nahaharap sa kasong child pornography sa Las Vegas Nevada, at si Jim Jae Hyeong, Korean national na  wanted dahil sa swindling.

Nahuli sina Aquino at Jim noong araw ng Sabado, March 16, sa Angeles City, Pampanga at Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inilabas ang warrant ng United States District Court dahil sa ‘receipt of child pornography’ na may parusang pagkakakulong mula lima hanggang dalawampung taon.

Mapanganib aniya sa publiko ang pananatili ng dalawang dayuhan na may seryosong kaso sa ibang bansa.

Dahil dito, inisyu ng ahensya ang deportation order sa dalawa.

Kinansela na rin ang pasaporte ng mga dayuhan mula sa gobyerno ng Amerika at South Korea.

TAGS: Jim Jae Hyeong, joel pasay aquino, morente, Jim Jae Hyeong, joel pasay aquino, morente

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.