DOH nagsimula na ng bakuna sa mga bata laban sa Japanese encephalitis

By Angellic Jordan March 19, 2019 - 05:31 PM

Inquirer file photo

Sisimulan na ng Department of Health o DOH ang paggamit ng Japanese encephalitis vaccine para sa mga bata sa apat na rehiyon.

Ito ay bahagi ng immunization program ng kagawaran.

Ayon sa DOH, ilalabas ang bakuna sa mga rehiyon na lubhang apektado ng sakit partikular sa Region 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region ngayong buwan ng Marso.

Sinabi ng kagawaran na makatatanggap ng nasabing bakuna ang mga batang may edad siyam na buwan hanggang limang taong gulang.

Ang Japanese encephalitis ay isang mosquito-borne viral disease kung saan makararanas ng mataas na lagnat, chills, sakit ng ulo at sobrang pagkapagod.

Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ligtas ang bakuna at aprubado ng Food and Drug Administration o FDA.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ang DOH Epidemiology Bureau ng 340 na laboratory-confirmed J-E cases.

Nakuha ang pinakamataas na bilang ng kaso nito sa Region 3 na sinundan ng Region 1 at 2.

TAGS: doh, duque, Epidemiology Bureau, Health, japanese ecephalitis, vaccine, doh, duque, Epidemiology Bureau, Health, japanese ecephalitis, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.