Toll rate hike ng NLEX binawasan ng Piso

Inquirer file photo

Ipinagyabang ng NLEX Corp. na binawasan nila ng Piso ang nauna nilang inanunsyong toll rate hike na ipatutupad na March 20.

Bago ito ay sinabi ng NLEX na aabot sa P10 ang kanilang dagdag singil kasama na ang dagdag na P6 para sa open line system at unang bahagi ng dagdag na pinagtibay noon pang 2015.

Imbes na P10 ay magiging P9 na lamang ang kanilang singil para sa class 1 vehicle na dadaan sa mula Balintawak hanggang sa Marilao, Bulacan.

Simula March 20 ay magiging P54 na ang singil sa nasabing ruta mula sa kasalukuyang P45 lamang.

Ayon sa NLEX advisory, “The NLEX Corporation announced today it will collect lower additional flat rates for the expressway sections covered under its open system to cushion the impact of the recently approved toll adjustments.”

Ang mga Class 2 vehicles kasama ang mga bus at maliit na mga truck ay magbabayad na simula sa March 20 ng P136 samantalang ang mga malalaking truck naman ay magiging P645 mula Balintawak hanggang sa Marilao exit.

Read more...