47 kilo ng marijuana at shabu narekober sa Cavite

By Angellic Jordan March 19, 2019 - 03:29 PM

File photo

Nasabat ang 47 kilo ng marijuana at 115 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-drug operations sa Dasmariñas City.

Ayon kay Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng Dasmariñas City Police, isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Salitran 3.

Naaresto ng pulisya sina Jaon Tamisis, 33-anyos, at Cris Omictin, 28 taong gulang, dakong alas otso y medya, Lunes ng gabi.

Nakuha sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P782,000.

Makalipas ang isang oras, nahuli ng pulisya ang mga suspek na sina Felix Flores, trenta y kwatra anyos; Rodel Herrera, trenta y singko anyos at Albert Mabini, trenta y sais anyos.

Narekober naman sa sinasabing hideout ng tatlo ang ilang bloke ng marijuana na nagkakahalaga ng P564,000.

Sinabi ni Ricohermoso na inaalam pa ng pulisya ang pinagkukunan ng suplay ng mga kontrabando.

TAGS: cavite, Dasmariñas, drugs, Marijuana, shabu, cavite, Dasmariñas, drugs, Marijuana, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.