Simula bukas ng ala-una ng hapon hanggang alas-otso ng gabi, December 1 ay isasara sa daloy ng trapiko ang magkabilang bahagi ng Roxas Boulevard mula sa Padre Faura hanggang sa President Quirino Avenue.
Sa advisory na inilabas ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, ilang mga activities na may kinalaman sa World AIDS Day ang natakdang gawin sa iba’t ibang mga lugar sa kahabaan ng Roxas Blvd.
Kabilang sa mga lugar na ito ang mga sumusunod:
- Plaza Rajah Sulayman
- Remedios St. (likuran ng Max’s Restaurant)
- South Drive (malapit sa Rizal Park).
Pinapayuhan naman ang mga apektadong motorista na dumaan pansamantala sa kahabaan ng M.H Del Pilar street.
Magugunitang kaninang umaga ay isinara rin sa daloy ng trapiko ang malaking bahagi ng Roxas Blvd. para bigyang-daan ang isang fun run na inorganisa ng ibat-ibang mga pribadong grupo.
MOST READ
LATEST STORIES