Bersyon ng 2019 Budget hindi binawi ng Kamara ayon kay Speaker GMA
Mariing itinanggi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na binawi nila ang kanilang ipinasang bersyon ng panukalang 2019 National Budget.
Ayon kay Speaker GMA, hindi nila binawi ang kanilang bersyon bagkus ay pinag-uusapan nila ang gagawing pagbabago.
Sinabi ng lider ng Kamara na ngayong araw ay makikipagpulong siya sa mga miyembro ng Kamara kabilang na si San Juan Rep. Ronaldo Zamora upang pag-usapan ang budget.
Igigiit din aniya nila ang bersyon ng Kamara na walang lump sum appropriations na nauna nang idineklarang labag sa Saligang Batas.
Kung ano aniya ang lalamanin ng bagong bersyon ng Kamara ay ito pa ang kanilang pag uusapan.
Idinagdag ng pinuno ng Kamara na kung walang mapagkasunduan at ayaw lagdaan ni Senate President Tito Sotto ang panukala walang 2019 budget na isusumite sa pangulo upang lagdaan.
Nauna nang tinuran ni Rep. Zamora kahapon na babawiin na ng Kamara ang kanilang bersyon na isinumite sa Senado na kinontra din ni House Appropriations Committer Chair Rolando Andaya Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.