Alok ng Japan na pondohan ang Kaliwa Dam ikinukunsidera pa rin ng gobyerno ayon sa Malakanyang

Patuloy pa ring kinukunsidera ng gobyerno ang alok ng Japan na pumasok sa kontrata para sa pagtatayo ng Kaliwa Dam project sa Quezon.

Pahayag ito ng palasyo kahit inihayag na ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) na pinal na ang China ang magpopondo sa nasabing proyekto.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lahat ng opsyon ay ikinukunsidera ng gobyerno kung saan dapat tingnan ang may pinakamagandang serbisyo sa sambayanang Pilipino.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng kaukulang ahensya ang proposal ng Japan.

Read more...