Bagong PH-China Infra Agreements niluluto

Magkakaroon ng mga serye ng pag uusap ngayong linggo ang ilang opisyal ng Pilipinas at China para sa mga bagong kasunduan kaugnay sa Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte.

Sa pahayag ng Department of Finance, ang serye ng pagpupulong ay sesentro sa patuloy na pag-
uugnayan ng dalawang bansa ukol sa mga flagship infrastructure projects ng gobyerno.

Pinangungunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang delegasyon ng Pilipinas sa Beijing at ngayon araw ay makikipagpulong sila sa mga matataas na opisyal sa Ministry of Commerce ng China.

May pulong din ang grupo ni Medialdea kay Chinese Vice President Wang Qishan.

May hiwalay din na pakikipagpulong sa mga opisyal ng Export-Import Bank of China at China International Development Cooperation Agency (Cidca), ang ahensiya na sumusuri at nagpapatupad ng kanilang foreign aid projects.

Bukas naman ay magkakaroon ng Philippine Economic Briefing para ipakita sa mga interesadong Chinese investors ang mga oportunidad sa pagnenegosyo sa Pilipinas.

Noong September 2017, may nauna ng Philippine Economic Briefing sa Shanghai.

Read more...