Ulat ng Law Asia na isang abogado ang pinapatay sa Pilipinas kada buwan exaggeration ayon sa Malakanyang
Pumalag ang palasyo ng Malakanyang sa ulat ng Law Asia na isang abogado ang pinapatay kada buwan sa Pilipinas simula noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, eksaherasyon ang ulat ng Law Asia.
Buwelta pa ni Panelo, nangangarap ng gising ang Law Asia.
Sakali mang totoo ang ulat ng Law Asia, sinabi ni Panelo na hindi maaaring iugnay sa pamahalaan ang pagpatay sa isang abogado.
Maari kasi aniyang personal na motibo ang sanhi ng pagpatay o paghihiganti o hindi natuloy na business deal o iba pa.
Marami aniyang rason ang maaring ugat sa pagpatay sa isang indibidwal.
Ang Law Asia ay Regional Association ng mga abogado, hukom, jurists at legal organizations na nagsusulong ng mga interes at concerns ng legal profession sa Asia Pacific.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.