Justice system sa bansa hindi apektado ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC ayon kay DOJ Sec. Guevarra

By Ricky Brozas March 19, 2019 - 10:44 AM

Walang epekto sa justice system ng Pilipinas ang pagkalas ng bansa sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang reaksiyon ni Justice Sec. Menardo Guevarra, na aniya’y miyembro man o hindi ay patuloy pa rin ang function ng mga korte sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Rome Statute, ang pagkalas ng isang bansa sa ICC ay epektibo ng isang taon matapos ihain ang instrument of withdrawal.

Una rito, kinuwestiyon ng ilang mambabatas at grupo ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

Ang unang petisyon sa kaso ay inihain ng mga opposition lawmakers na pinangungunahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon at sina Senator Francis Pangilinan, Bam Aquino IV, Leila de Lima, Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV noong May 16, 2018.

Hiniling ng mga petitioners sa high court na ideklarang invalid ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC at hiniling sa Executive Department na kanselahin at i-revoke o i-withdraw ang instrument of withdrawal na inihain ng Pilipinas sa United Nations Secretary General noong March 17, 2018.

Ang ikalawang petisyon ay inihain naman ng Philippine Coalition for the ICC (PCICC) noong June 13, 2018.

Giit naman ng grupo mayroong naganap na grave abuse of discretion o pagmamalabis sa panig ni Pangulong Duterte  noong magdesisyon itong kumalas ang bansa sa ICC.

Maalalang inanunsiyo ni Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC dahil sa pagiging bias umano ng ilang United Nations (UN) officials at sa kadahilanang nagagamit daw ang ICC bilang political tool laban sa kanya.

TAGS: hindi apektado, ICC, justice system, hindi apektado, ICC, justice system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.