Tropical Depression Chedeng humina na at isa na lamang LPA

Humina na ang Tropical Depression Chedeng matapos tumama sa kalupaan ng Davao Occidental.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang mag-landfall ang bagyo sa bayan ng Malita na naka-apekto sa nasa 500 pamilya.

Ayon sa PAGASA,  isa na lamang low pressure area ang bagyo bagamat magdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan sa ilang mga lugar.

Huling namataan ang LPA sa Malungon, Sarangani.

Inalis na rin ng PAGASA ang lahat ng tropical cyclone warning signals.

Inaasahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga probinsya ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Region, Soccskargen, at ilang bahagi ng Northern Mindanao, Bangsamoro at  Zamboanga Peninsula.

Read more...