Circumferential road sa Boracay malapit nang matapos
Inanunsyo ni Public works and Highways Secretary Mark Villar na halos kompleto na ang Boracay circumferential Road Phase 1 rehabilitation.
Ang pahayag ay ginawa ni Villar kasabay ng pag-iinspeksyon sa 4.1 kilometrong circumferential road.
Dahil dito, sinabi ng kalihim na maaari nang gamitin ng mga motorista ang 2.66 kilometer section mula Cagban Port hanggang sa Hue hotel, gayundin ang 1.462 kilometer segment ng Hue hotel hanggang Elizalde property.
Maliban sa Boracay circumferential road ay gagawin din ng DPWH ang isang daanan sa kahabaan ng Lake town, malapit sa isang mall sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.